Skip to main content

Posts

Showing posts from April 21, 2009

Pangit na Mukha ng Pangingibang Bansa

Dati kapag may umuuwi galing ibang bansa ang paniwala ko masarap ang buhay nila sa labas ng bansa, mapupulang pisngi, sapatos na bago, mga kilo kilong alahas. iniisip ko noon ang sarap siguro ng pagkain nila.... Pero ang naranasan ko dito ay malapit na sa pagiging pulubi, apat na buwang walang sahod, ultimo softdrinks di ko mabili, kapag walang natira sa ulam ng mga kasama ko sa bahay...si Datu Puti ang bahala, magkalasa at magkakulay lang ng kaunti ang kanin instant hapunan na, ang mahirap kapag naubusan ng kanin, hanap ako ng kahit ano..kapag sinuswerte may mahahagilap akong slice bread na isang lingong expired na, microwave lang ang katapat, timpla ng kape kahit walang asukal at gatas basta may mainit na tubig ayos na, may almusal na ako sa hapunan. Text si Misis, sasabihin sa iyo may sakit ang bunso mo, kailangang dalhin sa manggagamot, sagot ko, hiram ka muna sa nanay mo..sa chikka lang ako nakakasagot dahil bago ko ibili ng HALA, sardinas na lang pra may makain, eh yon ay k...