Dati kapag may umuuwi galing ibang bansa ang paniwala ko masarap ang buhay nila sa labas ng bansa, mapupulang pisngi, sapatos na bago, mga kilo kilong alahas. iniisip ko noon ang sarap siguro ng pagkain nila....
Pero ang naranasan ko dito ay malapit na sa pagiging pulubi, apat na buwang walang sahod, ultimo softdrinks di ko mabili, kapag walang natira sa ulam ng mga kasama ko sa bahay...si Datu Puti ang bahala, magkalasa at magkakulay lang ng kaunti ang kanin instant hapunan na, ang mahirap kapag naubusan ng kanin, hanap ako ng kahit ano..kapag sinuswerte may mahahagilap akong slice bread na isang lingong expired na, microwave lang ang katapat, timpla ng kape kahit walang asukal at gatas basta may mainit na tubig ayos na, may almusal na ako sa hapunan.
Text si Misis, sasabihin sa iyo may sakit ang bunso mo, kailangang dalhin sa manggagamot, sagot ko, hiram ka muna sa nanay mo..sa chikka lang ako nakakasagot dahil bago ko ibili ng HALA, sardinas na lang pra may makain, eh yon ay kung may pambili.
Hindi ako nangayayat bagkus ay lalo akong tumaba kasi sa tuwing may okasyon sa bahay, nagpapakubusog ako na para bang kinakain ko na pati ang para sa isang linggong darating.kapag sinuswerte may magsasama sa akin sa fast food, ang di nila kayang ubusin pasimple kong sasabihin "uy wag kayong magtira bawal yan, ako na nga ang uubos".Kung may panic buying may panic eating.
Hindi ako relihiyosong tao pero dito ko naramdaman ang kanyang presensya..nang dahil sa kanya nanatili akong matibay hanggang sa payagan kami maghanap ng ibang trabaho ng kompanya at sa awa ng Diyos nasa ayos na trabaho na ako ngayon.
Wala pong halong kasinungalingan ito, kapatid po ng company ko ang pinagtatrabauhan ng mga Pilipinong ipinalabas sa balitang middleeast na nanghihingi ng ulo ng hipon. sila po ay nakauwi na at sagot ng company, ibinigay lahat ng karampatang bayad sa kanila.
Dumadating talaga sa buhay ng tao ang mga pagsubok, dahil kung wala daw mga pagsubok walang thrill ang pakikibaka natin dito sa mundong ibabaw... Totoo talaga na hindi lahat ng nag-abroad e nagtatagumpay... Minsan maitatanong mo talaga kung kapalaran ba ito o maling desisyong iyong binitawan?
ReplyDeleteRelihiyoso man o hindi, dito natin maiintindihan na merong isang dakilang Maykapal na sumusubaybay sa atin, minsan sa totoo lang ang hirap sabihing walang Diyos, dahil sa nakikita mo dito mundo e san nga ba galing ang lahat ng creation? Hindi ba't sa kanya lang? Masasabi kong, tapat ang Diyos sa mga taong nagtitiwala sa kanya, dahil noon pa man naranasan ko lahat ang mga bagay na sya lamang ang may bigay... Isang prebilehiyo na makilala ang Diyos na buhay... Sya na nag-iingat, Sya na gumagabay, Sya na nagbibigay ng katalinuhan, Sya na nagbibigay ng patnubay... Marami syang promises na binigay sa atin kung tayo'y susunod at magtitiwala sa Kanya... As he said in Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you", declares the Lord. "Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."