Skip to main content

Posts

Showing posts from July 14, 2009

Sa Muling Pagbangon

Sa aking pansamantalang pagkariwara Sa mundong sarili kong katha Sana sa pagbabalik, galak at tuwa Sa akin ay maging sagala Sa dilim ng aking kinalagyan Mga impit kong dalangin Sa Kanya ko ipinarating Mga usal kong adhikain Sa Kanya ko na ipinalilim. Ningas ko man ay panandaliang nanamlay Munting baga ay nanatiling buhay At sa aking pagnilay-nilay Pag-aalabin muli apoy na aking taglay Bagong Pag-asa aking pinapanday. Sikat ng araw akin ng tanaw Adhikain ang aking magiging gabay Sa pamilya pangarap ay magandang buhay Pagmamahal ang siyang tulay Tungo sa nalalapit na tagumpay