Skip to main content

Posts

Showing posts from June 20, 2009

Tanging Tanglaw (Tula para sa mga OFW)

Sa maghapong walang humpay na pag-gawa Katawang hapo at kulang sa kalinga Hanap lang sa tuwina ay pahinga Ngunit naisin man ay di magawa Damit na nilabhan ay nasa kama Madalas sa malayo nakatingin Nagtatanong kung ano ang mithiin Kalaguyo at kapiling ay dilim Taghoy ng ulilang damdamin Idinadaan sa buntung-hiningang malalim Sa bawat pagpikit ng mga mata Ala-ala ng mga iniwanang sinta Na nakatunghay sa iyong gunita Ang masidhing pangungulila Kayakap mo hanggang umaga Sa muling pagbangon, bakas ng luha Na sa magdamag ay dumaloy sa mga mata Pilit mong itatago para di makita Dahil ika'y malakas sa tingin ng iba Baon mo ay huwad na ngiti at tuwa Sa agos ng buhay sa ibang bayan Wala kang ibang pagpipilian Mahirap man kailangan mong sabayan Dahil sa balikat mo iyong pasan Pangarap sa mga anak sa kinabukasan Ikaw, ako, sila, tayo na nangangarap Na sa ibayong dagat ay naghahanap Asenso na sa sariling bayan ay mailap Sa likod ng makapal na ulap Tanging tang...