Skip to main content

Tanging Tanglaw (Tula para sa mga OFW)


Sa maghapong walang humpay na pag-gawa
Katawang hapo at kulang sa kalinga
Hanap lang sa tuwina ay pahinga
Ngunit naisin man ay di magawa
Damit na nilabhan ay nasa kama

Madalas sa malayo nakatingin
Nagtatanong kung ano ang mithiin
Kalaguyo at kapiling ay dilim
Taghoy ng ulilang damdamin
Idinadaan sa buntung-hiningang malalim

Sa bawat pagpikit ng mga mata
Ala-ala ng mga iniwanang sinta
Na nakatunghay sa iyong gunita
Ang masidhing pangungulila
Kayakap mo hanggang umaga

Sa muling pagbangon, bakas ng luha
Na sa magdamag ay dumaloy sa mga mata
Pilit mong itatago para di makita
Dahil ika'y malakas sa tingin ng iba
Baon mo ay huwad na ngiti at tuwa

Sa agos ng buhay sa ibang bayan
Wala kang ibang pagpipilian
Mahirap man kailangan mong sabayan
Dahil sa balikat mo iyong pasan
Pangarap sa mga anak sa kinabukasan

Ikaw, ako, sila, tayo na nangangarap
Na sa ibayong dagat ay naghahanap
Asenso na sa sariling bayan ay mailap
Sa likod ng makapal na ulap
Tanging tanglaw ating maaapuhap.

Comments

  1. Kay ganda ng tula. It is nice to have creative outlets for our pent up emotions, di ba?

    ReplyDelete
  2. Salamat Ma'am,

    Ang puso ko po ay napuno ng galak
    Nang makita salita mong nakalagak
    Talatang parang sa akin ay palakpak

    Sana ika'y palaging masumpungan
    Dito sa munti kong panulatan
    Hanggang sa muli akin pong kaibigan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Bagong Bayani (OFW) Ipagbunyi inyong Kadakilaan

Sa bawat daan na iyong tinahak Sa mga luha sa mata mo pumatak Sa katawan mong pagod at batak Sa pamilya mong muntik mawasak Sa bawat mga araw na lumilipas Sa yugto ng buhay mong nalalagas Sa damdamin mong nagagasgas Sa mga nagdaraang mga oras Saan ka kaya patutungo? Sino kaya ang sa luha magpapatuyo? May hahagod kaya sa katawang hapo? Manitili kayang pamilya mo ay buo? Araw na lumipas maibabalik ba? Makikita ba mga sandaling nawala? Kaya pa ba sa bigat ng iyong dala? Oras na nagdaan mapapalitan ba? Mga Bagong Bayani....Ipagbunyi inyong kadakilaan..

OFW Christmas Blues (Pasko na Naman)

I can smell the “Spirit of Christmas” but I cannot feel the joy it brings like it does when I am still back home in the Philippines. Christmas in the Middle East is just an ordinary working day unless it falls on a Friday. Unfortunately this year it falls on a Thursday and it only means that while almost all people around the world are celebrating CHRISTMAS we the “Middle Easterners” are in the office working and contemplating at the same time. Maybe I can treat myself with a piece of shawarma after office and walk along the corniche (Bay area) and probably order “milked tea” while trying to enjoy the cold breeze.