Skip to main content

Sa Muling Pagbangon

Sa aking pansamantalang pagkariwara
Sa mundong sarili kong katha
Sana sa pagbabalik, galak at tuwa
Sa akin ay maging sagala


Sa dilim ng aking kinalagyan
Mga impit kong dalangin
Sa Kanya ko ipinarating
Mga usal kong adhikain
Sa Kanya ko na ipinalilim.


Ningas ko man ay panandaliang nanamlay
Munting baga ay nanatiling buhay
At sa aking pagnilay-nilay
Pag-aalabin muli apoy na aking taglay
Bagong Pag-asa aking pinapanday.


Sikat ng araw akin ng tanaw
Adhikain ang aking magiging gabay
Sa pamilya pangarap ay magandang buhay
Pagmamahal ang siyang tulay
Tungo sa nalalapit na tagumpay

Comments

  1. Kay gandang mga titik at mga bigkas na salita kapatid. Mabuhay!

    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagpupugay kabayan, wala ng gaganda pa sa salitang mula sa puso..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Bagong Bayani (OFW) Ipagbunyi inyong Kadakilaan

Sa bawat daan na iyong tinahak Sa mga luha sa mata mo pumatak Sa katawan mong pagod at batak Sa pamilya mong muntik mawasak Sa bawat mga araw na lumilipas Sa yugto ng buhay mong nalalagas Sa damdamin mong nagagasgas Sa mga nagdaraang mga oras Saan ka kaya patutungo? Sino kaya ang sa luha magpapatuyo? May hahagod kaya sa katawang hapo? Manitili kayang pamilya mo ay buo? Araw na lumipas maibabalik ba? Makikita ba mga sandaling nawala? Kaya pa ba sa bigat ng iyong dala? Oras na nagdaan mapapalitan ba? Mga Bagong Bayani....Ipagbunyi inyong kadakilaan..

Tanging Tanglaw (Tula para sa mga OFW)

Sa maghapong walang humpay na pag-gawa Katawang hapo at kulang sa kalinga Hanap lang sa tuwina ay pahinga Ngunit naisin man ay di magawa Damit na nilabhan ay nasa kama Madalas sa malayo nakatingin Nagtatanong kung ano ang mithiin Kalaguyo at kapiling ay dilim Taghoy ng ulilang damdamin Idinadaan sa buntung-hiningang malalim Sa bawat pagpikit ng mga mata Ala-ala ng mga iniwanang sinta Na nakatunghay sa iyong gunita Ang masidhing pangungulila Kayakap mo hanggang umaga Sa muling pagbangon, bakas ng luha Na sa magdamag ay dumaloy sa mga mata Pilit mong itatago para di makita Dahil ika'y malakas sa tingin ng iba Baon mo ay huwad na ngiti at tuwa Sa agos ng buhay sa ibang bayan Wala kang ibang pagpipilian Mahirap man kailangan mong sabayan Dahil sa balikat mo iyong pasan Pangarap sa mga anak sa kinabukasan Ikaw, ako, sila, tayo na nangangarap Na sa ibayong dagat ay naghahanap Asenso na sa sariling bayan ay mailap Sa likod ng makapal na ulap Tanging tang...

Loans Available for OFW

The Philippine Government particularly OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) which is the lead institution that serves the interest and welfare of member-Overseas Filipino Workers (OFWs) has come up with a program which main purpose is to help and Finance some livelihood programs of OFW and their families through Financial Loans. Please see below the description and the criteria for the said program.