Sa mga luha sa mata mo pumatak
Sa katawan mong pagod at batak
Sa pamilya mong muntik mawasak
Sa bawat mga araw na lumilipas
Sa yugto ng buhay mong nalalagas
Sa damdamin mong nagagasgas
Sa mga nagdaraang mga oras
Saan ka kaya patutungo?
Sino kaya ang sa luha magpapatuyo?
May hahagod kaya sa katawang hapo?
Manitili kayang pamilya mo ay buo?
Araw na lumipas maibabalik ba?
Makikita ba mga sandaling nawala?
Kaya pa ba sa bigat ng iyong dala?
Oras na nagdaan mapapalitan ba?
Mga Bagong Bayani....Ipagbunyi inyong kadakilaan..
Ang OFW pala ay isang makata! Galeng, Kuya Ronnie. Your poem touched me. Mabuhay kayo!!
ReplyDelete